Ang kamandang sa alindog ni Katelyn
Si Katelyn (di tunay na pangalan), bata, masiyahin, maganda at madaming kaibigan. Palangiti, palakaibigan, hindi mataray. Sa mata ng marami? Siya isang karaniwang Babae, pero ang katutohanan ay napakalayo sa inaakala ng madaming tao. Dahil sa bawat kembot ng kanyang bewang, sa bawat kindat ng kanyang mga pilik mata, maraming lalaki ang natutulala, napapa tunganga at marahil mahigit sinkwenta porciento ang napapariwara. O Katelyn, anong meron ka? Anong Hiwaga ang taglay ng mapupula mong labi! Ang iyong kagandahan ba ay tinuturing mong Biyaya or sumpa? Marahil ikaw ay natutuwa pag nakita mong nakatitig ang mapuputi at matitipunong mga lalaki sa hubog ng iyong katawan, pero ano ang iyong naramdaman noong pilit na kinukuha ng kuya mong guardia ang iyong numero sa makabago mong Telepono, o di kaya noong ikay nilapitan ng isa pang Guardia sa SM Mall of Asia ang sinabing, "Miss parang .... and .... Mo..." Ano ang kaakit akit mong katangian? Iyon ba ay iyong mabilis na pananalita? O...